Add parallel Print Page Options

Bakit(A) gumugugol kayo ng salapi sa mga bagay na hindi nakakabusog?
    Bakit ninyo inuubos ang perang kinita sa mga bagay na sa inyo ay hindi nagbibigay kasiyahan?
Makinig kayong mabuti sa akin at sundin ang utos ko,
    at matitikman ninyo ang pinakamasasarap na pagkain.
Makinig(B) kayo at lumapit sa akin.
    Sundin ninyo ako at magkakaroon kayo ng buhay!
Isang walang hanggang kasunduan ang gagawin natin;
    pagtitibayin ko ang aking walang hanggang pag-ibig kay David.
Masdan ninyo! Ginawa ko siyang saksi sa mga bansa,
    pinuno at tagapagmana sa mga bayan.

Read full chapter